Naguguluhan s piso/dollar
Tumaas daw ang piso ng sambayanang pinoy.
Hindi ko talaga maintindihan, hindi naman kc ako economist.
Noong MABABA ang piso against sa dollar nakakabili ako ng 2 kilong FIRST CLASS NA DINORADONG bigas may sukli pa.
Ngayon na lumakas daw ang piso against sa dollar kulang na yung piso ko sa dating dalawang kilong bigas. Di ba dapat nung lumakas ang piso ay mahigit na 2 kilo na ang mabibili nito?
Paano naging malakas o tumaas ang piso?
Kaya ako naguguluhan kayo ba'y naliwanagan na?
Pacencya na mga kababayan na dito ko naihinga ang aking pasanin.





