Trabahante ng gobyerno, mga tamad!

2fear's picture

Ako'y naging trabahante ng gobyerno mula 1999 hanggang 2001. 2 years po akung naging empleyado ng gobyerno... ang masasabi ko lang sa mga empleyado ng gobyerno ay mga tamad! (pero hindi naman lahat, pero almost 95% tamad!) Wag po sana magalit ang mga empleyado ng gobyerno natin.

Noong una kong araw sa trabaho(opisina ng gobyerno), natural maiilang ka sa mga bago mong kasama. Pero napapansin ko parang nasa loob lang nang silid aralan. nagtsismisan, kanya-kanyang usapan o grupo-grupo! Ako naman seryoso sa trabaho. Kasi nga binigyan agad ako ng matatarabaho ko ng head namin. Medyo naiilang pa kasi ako sa mga kasamahan ko kasi nga baguhan.

Pero mga 2 weeks palang ako sa trabaho ko, mas lalo kong nakilala ang mga kaopisina ko. Andyan yung parating late sa trabaho, mas malaki ang oras sa break kay sa trabaho, mas malaki ang time sa tsismisan kay sa trabaho, andyan yung 3pm palang… wala ng trabaho. Inaantay na lang ang yung 5pm para uwian na.

Pag-late kasi may diskarte sila, yung record-in nila imbis oras ang isusulat eh ON FIELD ang ilalagay para sabihing galing sa field or project site bago pumasok sa opisina. Minsa naman pag gusto niyang umuwi ilalagay O.B.(Official Business) para lusot siya kung hahanapin ng boss. Para sa akin yung O.B. owi bahay ata ibig sabihin! Kaya nga pati ako nahahawa na minsan sa ganoong sistema!

Actually yung under the table sa gobyerno, hindi ko pa nararanasan yun o nagagawa yun kasi nasa engineering department kami. Pero yung mga kasama ko madalas ginagawa para sa madaliang kalakaran sa mga papeles. Andyan yung minsan nagpi-field ako, imbis magsupervise sa project, andun sa isang gilid natutulog. Mapapansin mo rin sa mga opisina ng gobyerno… maraming nagtsismisan. Kaya nga madalas yung mga papers na ipa-file mo hindi nila uunahin, mas uunahin pa yung tsismis. Yang mga papers na ipinasa nyo sa opisina kahit isang oras o isang araw matatapos yan kaso sa sobrang katamaran ipabukas pa nila yan o minsan isang linggo mo babalikan bago matapos nila imbis isang araw lang! Actually, kaya naman matatapos yan sa maiksing panahon. Hindi kasi istrikto ang gobyerno sa time of duration. Kaya nga mga tamad ang nasa gobyerno!

Kung gusto mong makapasok o makatrabaho sa opisina ng gobyerno? Madali lang kung iyo ang nanunungkulan(mayor, gobernor etc). Pero kahit matalino ka o cum laude ka man sa sikat na eskwelahan, di ka parin uubra kung hindi sa iyo ang nanunungkulan! Kumbaga palakasan lang or weather2x lang yan.

Kaya nga walang quality ang nagtatrabaho sa gobyerno! Puro mga tamad yung nasa gobyerno…. Kung sino yung may pinakamahirap na trabaho yung ang pinakamaliit na sweldo. At kung sino naman ang paupo-upo lang, yun ang pinakamalaking sweldo!

Kailan kaya mababago ang sistemang ganito?

madcarabao11's picture

2fear san ka nagwork? under

2fear san ka nagwork? under municipal? naranasan mo na yung sa opisina ng mayor e meron nagtotongits? :D

neckromancer's picture

Wala akong masabi kung hindi

Wala akong masabi kung hindi ito: Taga-gobyerno na mismo ang nagsabi. Mabuhay ka 2fear!

IWM's picture

Wala ka talagang magagawa

Wala ka talagang magagawa kundi mainis na lang. Kahit gusto mo nang magreklamo, wala kang magagawa. Kasi kanino ka pa magrereklamo? Sa gobyerno? Eh gobyerno nga irereklamo mo eh. Tsk tsk tsk. Kaya di umuunlad ang Pilipinas.

Natawa naman ako dun sa O.B. haha.

BOY-RASPUTIN's picture

Totoo yan brod, kapag may

Totoo yan brod, kapag may aasikasuhin ka sa kanilang mga ahensiya, naku po, super bagal. ang ilang minutong gawain magiging buong araw o 3 araw. kahit na babayaran mo pa.

Core2_QuadCore's picture

totoo yan ganyan talaga ung

totoo yan ganyan talaga ung ibang taga gobyerno...kung may weiss kreuz lang na totoo na-tira na yang mga yan...

n4spid3r's picture

Karamihan talaga sa mga

Karamihan talaga sa mga ngtatrabaho dyan, mga tamad konting trabaho lang sasabihin dami na nilang ginagwa.. pero san ka, magphoto copy lng nmn ung ginagawa ng iba, taga sagot sa telepono, ung iba nga pagala gala lang sa loob ng munisipyo,, Eto pa matindi meron pang iba na Ghost Employee, 15-30.. naka payroll kay Mayor.. ang dami ganun sa munisipyo namin,, Eto isa pang matindi.. napapansin ko lng Mahilig sila Cash Reinversment.. kahit ung mga miryenda rereinverse pa..

"Kaban ng Bayan ng Ginagastos nyo.. kaya sana kahit papano tumbasan nyo naman ng konting sipag"

2fear's picture

madcarabao11 wrote: 2fear

[quote=madcarabao11]2fear san ka nagwork? under municipal? naranasan mo na yung sa opisina ng mayor e meron nagtotongits? :D[/quote]

hahahahaha! mismo ako sumasali pa sa tong-its nila.

kinjikitatani's picture

i have a former officemate

i have a former officemate na natanggap sa isang govt agency. hindi talaga siya nagtagal kasi nasanay na siya sa culture ng private company. in the govt, they dont start working until 9 am., then have an early lunch, sleep til two o clock, then wait til 5 o clock. if they are given work, they want to extend the work as long as possible,meaning, if it can be done in two days, they will extend it to two weeks, para lang sasabihin na may ginagawa sila. my ex - office was still young and yearning for self improvement and professional development, so he asked to be transferred elsewhere after one month.

i dont know what happened to him. ok na siguro

dant3g0's picture

Kaya nga kung papasok ka as

Kaya nga kung papasok ka as a government office employee.

"It's not what you know that counts. It's who you know."

deosh_pilyo's picture

meron pa jan

meron pa jan nagpapa-manicure & pedicure tapos may papasok na ale na magtitinda ng tocino, tapa, longanisa, avon, mani, RTW, etc.... hayzzzz... yan ang life sabi ng ating mga public servant... jan po napupunta ang mga ibinubuwis natin...

Ang sisipag po siguro ninyo.

Ang sisipag po siguro ninyo.

Asiong Salonga III's picture

di nga? baka nabola ka

di nga? baka nabola ka 2fear?

IWM's picture

angeldust wrote: Ang sisipag

[quote=angeldust]Ang sisipag po siguro ninyo.[/quote]
Employee ka po siguro ng gobyerno. Hehe.

kwix's picture

I'm writing my comments in

I'm writing my comments in English kasi naheherapan ako sa wikang Fiipino upang maibulatlat ko lamang ang saloobin ko. Kaya high-tech man or high brow, here goes nuthin: I should observe that, as a common observation, slacking on the job, presence of red tape, and general ineptitude among civil service employees is common, so prevalent that at times, we misconstrue it as de rigeur when working in the civil service. But let us not fall victim to hasty generalization. Admitted that the system called bureaucracy mitigates unproductivity even petty graft and corruption, there are still some offices who remained true to their mission statement.

Much like Diogenes, it is difficult to find a good man or woman right now employed as a civil servant.

red_scorpion's picture

[quote=2fear]Ako'y naging

[quote=2fear]Ako'y naging trabahante ng gobyerno mula 1999 hanggang 2001. 2 years po akung naging empleyado ng gobyerno... ang masasabi ko lang sa mga empleyado ng gobyerno ay mga tamad! (pero hindi naman lahat, pero almost 95% tamad!) Wag po sana magalit ang mga empleyado ng gobyerno natin.

Noong una kong araw sa trabaho(opisina ng gobyerno), natural maiilang ka sa mga bago mong kasama. Pero napapansin ko parang nasa loob lang nang silid aralan. nagtsismisan, kanya-kanyang usapan o grupo-grupo! Ako naman seryoso sa trabaho. Kasi nga binigyan agad ako ng matatarabaho ko ng head namin. Medyo naiilang pa kasi ako sa mga kasamahan ko kasi nga baguhan.

Pero mga 2 weeks palang ako sa trabaho ko, mas lalo kong nakilala ang mga kaopisina ko. Andyan yung parating late sa trabaho, mas malaki ang oras sa break kay sa trabaho, mas malaki ang time sa tsismisan kay sa trabaho, andyan yung 3pm palang… wala ng trabaho. Inaantay na lang ang yung 5pm para uwian na.

Pag-late kasi may diskarte sila, yung record-in nila imbis oras ang isusulat eh ON FIELD ang ilalagay para sabihing galing sa field or project site bago pumasok sa opisina. Minsa naman pag gusto niyang umuwi ilalagay O.B.(Official Business) para lusot siya kung hahanapin ng boss. Para sa akin yung O.B. owi bahay ata ibig sabihin! Kaya nga pati ako nahahawa na minsan sa ganoong sistema!

Actually yung under the table sa gobyerno, hindi ko pa nararanasan yun o nagagawa yun kasi nasa engineering department kami. Pero yung mga kasama ko madalas ginagawa para sa madaliang kalakaran sa mga papeles. Andyan yung minsan nagpi-field ako, imbis magsupervise sa project, andun sa isang gilid natutulog. Mapapansin mo rin sa mga opisina ng gobyerno… maraming nagtsismisan. Kaya nga madalas yung mga papers na ipa-file mo hindi nila uunahin, mas uunahin pa yung tsismis. Yang mga papers na ipinasa nyo sa opisina kahit isang oras o isang araw matatapos yan kaso sa sobrang katamaran ipabukas pa nila yan o minsan isang linggo mo babalikan bago matapos nila imbis isang araw lang! Actually, kaya naman matatapos yan sa maiksing panahon. Hindi kasi istrikto ang gobyerno sa time of duration. Kaya nga mga tamad ang nasa gobyerno!

Kung gusto mong makapasok o makatrabaho sa opisina ng gobyerno? Madali lang kung iyo ang nanunungkulan(mayor, gobernor etc). Pero kahit matalino ka o cum laude ka man sa sikat na eskwelahan, di ka parin uubra kung hindi sa iyo ang nanunungkulan! Kumbaga palakasan lang or weather2x lang yan.

Kaya nga walang quality ang nagtatrabaho sa gobyerno! Puro mga tamad yung nasa gobyerno…. Kung sino yung may pinakamahirap na trabaho yung ang pinakamaliit na sweldo. At kung sino naman ang paupo-upo lang, yun ang pinakamalaking sweldo!

Kailan kaya mababago ang sistemang ganito?

[/quote]
anong 95% tamad......an laking pagkakamali mo... naman 99% kamo kahit auntie ko time in lang ng 8a.m. sa munisipyo tapos uwi na balik na lang ng 5p.m. pra time out. at yung pulis namin dito sa bayan walang duty ng gabi sa presinto kundi yung isang preso mismo nakaupo s front disk pag gabi dahil nasa inuman yung magigiting naming pulis...mabuhay ang pilipinas!!!!!!!!!

Post new comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.